Kris Aquino reveals the three women she looks up to

0
810
kris-aquino-reveals-the-three-women-she-looks-up-to

Kabilang ang batikang host-actress at “Queen of All Media” na si Kris Aquino sa mga kababaihang tinitingala sa showbiz, ngunit tulad ng marami, may mga tao rin siyang hinahangaan.

Ayon kay Kris sa naganap na Wash Your Fears Summit ng Ariel ngayong linggo, halos lahat ng mga babaeng iniidolo niya ay galing sa politika.

Una na ang American politician at U.S. presidential candidate na si Hillary Clinton.

“I’m a Hillary fan because I love what she said, quoting Michelle Obama: ‘When they go low, we go high.’ Bilib ako sa kaniya,” paliwanag ng host-actress.

Dagdag pa niya, “Everything that’s being thrown at her now is based on accusations that her husband did. It’s not based on her. Yet she has enough calm, cool, and intelligence to not fall for that bait. I’ve been watching all the debates. Bilib talaga ako.”

Ikalawa si Leni Robredo, ang vice president ng Pilipinas na naging pambato ng Liberal Party, ang partidong pinagmulan rin ng kanyang kapatid, ang dating Pangulong Benigno Aquino III.

Kabilang si Kris sa celebrities na aktibong nangampanya para kay Leni at sa Liberal Party presidential bet na si Mar Roxas.

kris-aquino-reveals-the-three-women-she-looks-up-toAyon kay Kris, “I got to know Leni Robredo very well. She’s a true friend. She knew what I was going through in the past three weeks. It took a text. Sa pinagdaraanan niya at sa dami ng problema niya, she found time to make me feel good about myself.”

Higit sa lahat, isang malaking inspirasyon para kay Kris ang kaniyang ina at dating pangulo ng Pilipinas na si Cory Aquino.

“Lalayo pa ba ako? Everything that I am right now is because of how my mother raised me,” pahayag ng Queen of All Media.

Maliban sa iba’t ibang negosyo niya, abala rin ngayon si Kris sa paghahanda para sa kaniyang mga bagong showbiz assignments.

Aniya, “We’re going to head digital. For TV, it will come. I don’t have a definitive answer for that.”

“It’s trailblaizing. Hopefully, kung mangyari ito in the next few weeks or months, ako ang nauna talaga. It’s quite scary, but you have to be brave. We have to keep growing with the times. Free TV is a part of our lives, but everyday we’re holding on to our phones,” pahayag pa ng aktres. — VVP, GMA News

LEAVE A REPLY